Apat patay sa pananambang sa convoy ni Lanao del Sur Governor Adiong

Patay ang apat na tauhan ni Lanao del Sur Governor Mamintal Alonto Adiong Jr. matapos tambangan ng hindi nakilalang suspek sa Maguing, Lanao del Sur.

Base sa Facebook post ni Lanao del Sur Representative Zia Adiong, sinabi nito na ligtas na sa kahamakan ngayon ang kapatid na si Governor Adiong matapos masugatan sa pananambang.

Bukod kay Governor Adiong, nasugatan din ang isa pa nitong staff.

Patay naman ang tatlong pulis na nakatalagang security officer ni Governor Adiong at ang drayber nito.

Patungo sana ng Wao, Lanao del Sur ang grupo ni Governor Adiong nang pagbabarilin ng mga suspek.

Read more...