Pilipinas sa China: Tumigil na kayo sa pangha-harass

 

Umapela ang Pilipinas sa China na tigilan na ang ginagawang harassment sa West Philippine Sea.

Pahayag ito ng Department of Foreign Affairs matapos ang ginawang panunutok ng Chinese Coast Guard ng military grade lase sa mga tauhan ng Philippine Coast Guard sa Ayungin Shoal noong Pebrero 6.

Ayon kay DFA spokesperson Maria Teresita Daza, sinisira ng China ang peace at stability sa rehiyon dahil sa pinaggagawa sa West Philippine Sea.

Una nang naghain ng diplomatic protest ang Pilipinas laban sa China dahil sa panibagong insidente.

 

Read more...