Isinailalim sa yellow alert status ang Metro Manila dahil sa manipis na reserba ng kuryente.
Ayon kay Joe Zaldarriaga, tagapagsalita ng Meralco, tatagal ng walong oras ang yellow alert sa Metro Manila o mula alas 9:00 ng umaga kanina hanggang mamayang alas 5:00 ng hapon.
Itinataas ang yellow alert kapag ang gross reserve ng kuryente ay mas mababa sa 600 megawatts.
Nangangahulugan ito na kapag mayroon pang dagdag na planta na bibigay, ay maaring tuluyang lumiit o kapusin ang suplay ng kuryente at magpatupad ng brownout.
Sinabi ni Zaldarriaga na naka-standby naman ang mga subscribers ng load interruptible program ng Meralco na maaring magdeload sa paggamit ng kuryente kung kakailanganin.
Mamayang alas 2:00 ng hapon ang pinakamanipis na reserba ng kuryente sa Metro Manila na nasa 402MW lamang at mamayang gabi ay inaasahang babalik sa normal ang sitwasyon ng kuryente sa NCR.