Walang malaking pinsala na naidulot ang 6.0 magnitude na lindol na tumama sa Batuan, Masbate.
Sa Laging Handa Public Briefing, sinabi ni Diego Agustin Mariano, head ng Joint Information Center-Office of Civil Defense na wala ring naiulat na nasawi sa lindol.
Sa ngayon aniya, patuloy ang ginagawang assessment ng OCD.
Isang bubong lamang ang bumagsak sa Magallanes Coliseum sa Masbate at nagkaroon ng maliliit na biyak ang pader.
Nasa 70 aftershocks na aniya ang naitataa pero nasa lima lamang ang naramdaman.
Tiniyak naman ni Mariano na may nakahandang tulong ang pamahalaan sa mga apektado ng lindol.
“Iyong ating LGUs naman po diyan sa pangunguna ng kani-kanilang Local Chief Executives (LECs) ay nagpaabot na po ng tulong sa mga apektado, lalo na po doon sa mga pasyente na inilabas po sa labas po ng Masbate Provincial Hospital dahil iyon nga po iyong SOP nila na kapag may lindol, ilabas po muna bago po pumasok ulit ay itsi-check muna; at iyon po, nagbigay naman po ng mga tent, folding bed at blanket itong provincial office po ‘no. Pero sa ngayon po ay kailangan pa rin po ng karagdagang supply habang nasa labas pa po iyong mga pasyente po,” pahayag ni Mariano.