Nasabat ng mga tauhan ng Bureau of Customs ang P1 milyong halaga ng mga smuggled na sigarilyo sa Malacanang sa Sugbo, Pier 1 sa Cebu Ciy.
Ayon kay District Collector Atty. Elvira Cruz, nakalagay ang 1,025 na reams ng sigarilyo sa nakadaong na barko sa Pier 1.
Iniulat ng Philippine Coast Guard na nakalagay sa manifest na talong ang mga kontrabando.
Pero sa pag-iinspeksyon, natuklasan na hindi talong kundi mgma sigarilyo na may brand na Vess at Warrior ang laman ng barko.
Agad na nagpalabas ang BOC ng Warrant of Seizure and Detention dahil sa paglabag sa Sections 1113 (f) and (l-1 & 5) in relation to Section 118 (f) ng Customs Modernization and Tariff Act (CMTA).
MOST READ
LATEST STORIES