$32.54B remittances sa ‘Pinas ng Filipinos abroad noong 2022

Humigit $32.54 bilyon ang naipadala ng mga Filipino na nasa ibang bansa sa kanilang mga mahal sa buhay sa Pilipinas noong nakaraang taon.   Ito ay mas mataas ng 3.6 porsiyento kumpara sa naitala noong 2021.   Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ito na ang pinakamataas kasabay nang pagtama ng pandemya, na nagtulak sa maraming Filipino na bumalik ng Pilipinas dahil nawalan ng kabuhayan sa ibang bansa.   Pinaniniwalaan na isa sa pangunahing dahilan ng mataas na remittances ay dahil na rin sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo sa bansa.   Nabatid na noon lamang Disyembre, $3.16 bilyon ang remittances at ito ay mas mataas ng 5.8 porsiyento kumpara sa $2.64 bilyon noong Nobyembre.   Noong Disyembre bumawi ang halaga ng piso kontra sa dolyar ng Amerika.

Read more...