75% rating ikinagalak ni Pangulong Marcos Jr.

BBM FB PHOTO

Ikinatuwa ni Pangulong Marcos Jr. ang resulta ng December survey na nagpakitang 75 porsiyento  ng mga Filipino ang kuntento sa kanyang pamumuno sa bansa.

Ayon sa Pangulo, ‘very encouraging’ ang resulta ng survey ng Social Weather Station (SWS)  na tatlo sa bawat apat na Filipino ang nasisiyahan sa kanyang mga ginagawa. “I don’t really look at surveys kasi… But it’s always encouraging to know that naunawaan ng tao ‘yung aming ginagawa,” pahayag nito. Dagdag pa niya: “So we will just keep going and keep everybody informed kung ano’ yung aming ginagawa.” Isinagawa ang survey noong Disyembre  10-14 ng nakaraang taon.

Read more...