Sa susunod na dalawang taon, magiging self-sufficient na sa bigas ang Pilipinas.
Ito ang paniniwala ni Pangulong Marcos Jr., matapos makipagpulong sa mga opisyal ng Department of Agriculture (DA) at National Irrigation Administration (NIA) sa Malakanyang. “From that discussion, we have begun to put in the timetable of what are the things that we need to do. And sa aming calculation, kung magawa natin lahat ng kailangang gawin kasi marami tayong kailangan ayusin, marami tayong ire-reorganize — pero kung magawa natin lahat ‘yan, we will be close to self-sufficiency for rice in two years,” aniya. Dagdag pa ng Punong Ehekutibo na bagamat marami ang dapat gawin ang mahalaga ay alam nila kung paano gagawin ang mga ito. Giit ng Pangulo, kailangan ang kooperasyon at koordinasyon ng ibat-ibang ahensiya sa pangunguna ng DA, NIA, Department of Public Works and Highways (DPWH) at National Economic and Development Authority (NEDA). Una nang itinatatag ang Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) program sa ilalim ng RA 11203 o Rice Tariffication Law para maging paunlarin ang sektor ng pagtatanim ng palay. Hanggang noong Disyembre 31, 2021, nasa 2.04 milyong ektarya o 65 porsiyento ng potential irrigable area mula sa 3.13 milyong ektarya ang naayos at nasa 1.5 milyong magsasaka ang nakikinabang sa irigasyon. Samantlang, nasa 1.09 milyon ektarya o 35 porsiyenti pa ang kailangang ayusin.MOST READ
LATEST STORIES