Mga magsasaka naghirap dahil sa Rice Tarrification Law – IBON

Sa halip na makatulong,  nakasama pa sa kabuhayan ng mga magsasaka ang Rice Tarrification Law.   Base ito sa inilabas na datos ng IBON Foundation kung saan ipinakita na halos 40 porsiyento ang ibinaba ng kita ng magsasaka sa kada ektarya ng lupa na kanilang pinagtataniman.   Mula sa P32,976 noong 2019 ay bumaba ang kanilang kita sa P19,680 makalipas ang apat na taon na pagpapatupad ng naturang batas.   Sabi pa ng IBON, lalabas na mas malala pa ang epekto kung ikukunsidera ang mataas na inflation.   “When adjusted for 2018 prices, the real income rice farmers lost is worth P15,053. Not only did farmers lose money since rice liberalization, but their purchasing  power also weakened as well,” ayon sa IBON.   Nakadagdag pa sa paghihirap ng mga magsasaka ang tila kawalan ng interes ng gobyerno na suportahan ang produksyon ng bigas sa bansa kayat umaasa pa sa importasyon.

Read more...