4 South Koreans fugitives palalayasin ng Pilipinas

Pauuwiin ng Bureau of Immigration (BI) ang apat na South Korean fugitives na naaresto sa magkakahiwalay na operasyon sa Pasig City at Pampanga kamakailan.

Base sa impormasyon, naaresto ang 39-anyos na si Chun Junghoon noong Pebrero 1 sa Pasig City. Sinentensiyahan siya ng isang korte sa Busan noong 2020 dahil sa pagtangay ng ₩3 million o halos  $3,000 sa pamamagitan ng voice phishing. Makalipas ang tatlong araw nahuli sa Angeles City sa Pampanga si  Kim Jungsuk, 44, dahil sa pagtangay ng  ₩ 367 million 0 $300,000 mula sa kanyang amo sa pamamagitan nang ilegal na pagbebenta ng coal mula sa Russia. Sa modus na voice phishing din nahatulan ng Seoul Seobu District Court ang 34-anyos na si Park Geon Jin. Noong Pebrero 8 , 40-anyos na si Park Kyoungtae ay nahuli sa  Angeles City dahil sa ilegal na operasyon ng gambling site. Nakakulong sa detention facility ng kawanihan sa Taguig City habang hinihintay ang petsa ng kanilang deportasyon.

 

Read more...