P85/kilo ng asukal sa pagdating ng imported sugar

Asahan nang bababa sa P85 kada kilo ng asukal sa pagdating ng  440,000 metrikong toneladang sa bansa.

Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni Pablo Luis Azcona, board member ng Planters Representative ng Sugar Regulatory Administration, 240,000 metrikong tonelada ang magsisilbing buffer stock na ilalabas lamang sa bodega kapag offseason na.

Sinabi nito na refined sugar ang inangkat dahil sagana ng raw sugar sa Pilipinas at para hindi din maapektuhan ang mga nabubuhay sa lokal na industriya ng asukal.

“We are trying po to make sure na iyong retail price po natin is bababa to P85 without hurting naman po the farmers,” pahayag ni Azcuna.

Tiniyak naman ni Azcona na magiging transparent at may accountability ang pag-aangkat ng asukal

“We have naman po guidelines to identify po the importers in good standing, tapos mayroon naman tayong performance bond to make sure that they do as promised po,” pahayag ni Azcuna.

Ikinatuwa naman ng hanay ng mga magsasaka ang panukala ng ilang mambabatas na magkaroon ng anti-agricultural smuggling court para matiyak na mapapanagot ang mga nagmamanipula ng presyo ng mga produktong agrikultura.

Sabi ni Azcona, malaking tama kasi sa mga magsasaka at higit na nasasaktan kapag nag-aangkat ng produktong agricultural ang pamahalaan.

Tinitiyak aniya ng pamahalaan na patuloy na makakukuha ng patas na presyo sa mercado ang mga magsasaka  para maipagpatuloy ang pagsasaka.

Inaasahang sa  Abril dadating sa bansa ang unang tranch ng inangkat na asukal na nasa 100,000 metrikong tonelada.

Sa ngayon nasa 90 hanggang P110 ang kada kilo ng asukal na mataas sa P65 noong nakaraang taon.

 

Read more...