‘Maharlika Fund’ sa GFIs puwedeng subukan muna – Cayetano

Sa halip na magtayo ng panibagong korporasyon na hahawak ng isinusulong na ‘Maharlika Investment Fund,’ ang suhestiyon ni Senator Alan Peter Cayetano ay subukan muna na magamit ang ‘investment fund’ ng ilang  government financial institutions o GFIs.  Sa suhestiyon ni Cayetano, pangangasiwaan ng mga GFIs ang investment fund upang mapalago ito. Dagdag pa niya na maaring ikasa ito ng dalawang taon bilang ‘trial period.’ Kapag ito ay nagbunga ng magana, sabi pa ni Cayetano, maari nang masubukan ang hiwalay na government invesment corporation. Pagdidiin ng namumuno sa  Senate Committee on Government Corporations, hindi nman ito pagkuwestiyon kung maganda ba o hindi ang MIF kundi usapin ito ng kung ano ang magiging pinaka epektibo at sa tamang panahon.

Read more...