Paggamit ng hybrid rice may ‘go signal’ ng Pangulo
By: Chona Yu
- 2 years ago
Inaprubahan ni Pangulong Marcos Jr. ang paggamit ng hybrid rice bilang alternatibo sa inbred variety at mapataas ang produksyon ng mga magsasaka.
Ginawa ng utos sa pakikipagpulong sa SL Agritech Corporation (SLAC) sa pamumuno ni chairman and chief executive officer (CEO) Henry Lim Bon Liong at ng mga magsasaka mula sa Central Luzon.
Sa naturang pulong, inirekomenda ng SLAC kay Pangulong Marcos ang paggamit ng hybrid seed sa halip na certified seeds at ipinanukala ng na i-convert ang 1.90 million hectares target areas na ginagamitan ng certified seeds patungo sa hybrid seeds sa susunod na apat na taon.
At upang maikasa ito, bibigyan ng subsidya at tutulungan ang mga magsasaka sa loan financing.
“We would like to apply kung ano ‘yung ginagawa ninyo dito sa Central Luzon… so we can apply sa ibang areas,” aniya.
Nabatid na sa nakalipas na dalawang taon, mas mataas ng 41 percent ang produksyon ng hybrid system kumpara sa inbred conventional seeds base na rin sa pag aaral na ginawa ng Department of Agriculture (DA) at local government units (LGUs).
Ang SLAC ay isang private company na may research, development, production, at distribution of hybrid rice seeds at premium quality rice.