Villar inirekomenda ang pagbuo sa Anti-Smuggling Task Force at Anti-Smuggling Court

Photo credit: Senate of the Philippines/Facebook
Hiniing ni Senator Cynthia Villar ang pagbuo sa Anti-Agricultural Task Force at Anti-Smuggling Court para matuldukan na ang mga cartel na pumapatay sa kabuhayan ng mga magsasaka at dahilan ng pagtaas ng presyo ng mga produktong-agrikultural. Ayon kay Villar ang kanyang panukala ay kabilang sa mga hakbang na nais niyang gawin para matuldukan ang agricultural smuggling sa bansa. Nabatid na ang rekomendasyon ay nakapaloob sa committee report ng Committee on Agricultural, na pinamumunuan ni Villar. Nagsagawa ng pagdinig si Villar noong Enero 16 bunga nang pagtaas ng presyo ng kada kilo ng sibuyas na umabot pa sa P750. Sa pagdinig nalaman na binili ang mga sibuyas ng mga magsasaka ng P8 – P15 kada kilo lamang. Kabilang din sa rekomendasyon ang pag-amyenda sa RA 10845 o ang Anti-Agricultural Smuggling Act of 2016 para maisama na ang profiteering at hoarding, bukod sa smuggling sa kasong economic sabotage.

Read more...