‘Hindi ako anti-Duterte’ – Lacson

 

Inquirer file photo

Nilinaw ni incoming Sen. Panfilo Lacson na hindi naman siya laban kay President-elect Rodrigo Duterte, tulad aniya ng sinasabi ni Sen. Alan Peter Cayetano.

Ito ang naging tugon ni Lacson sa komento ni Cayetano tungkol sa posibleng pagiging obstructionists ng bagong umuusbong na majority sa Senado, kung saan kabilang si Lacson.

Sa katunayan aniya, naniniwala siyang malaki ang maitutulong ni Duterte sa pagbawas ng krimen at katiwalian sa bansa.

Paliwanag pa ni Lacson, nag-komento siya tungkol sa umano’y pag-kontrol ni Duterte sa Kongreso, dahil nais niyang protektahan ang integridad at pagkakasarinlan ng Senado.

Aniya, sa palagay niya ay obligasyon niyang gawin lalo’t muli na siyang babalik sa Senado.

Tumanggi naman na siyang mag-komento sa aniya’y “political trickery” ni Cayetano.

Read more...