Tiniyak naman sa Armed Forces of the Philippines (AFP) na ginagawa na nila ang lahat ng kanilang makakaya para sagipin ang dalawang dayuhang lalaki at isang Pilipina na hawak ng Abu Sayyad sa Sulu.
Ayon kay AFP spokesperson Brig. Gen. Restituto Padilla, hindi nila bibitiwan ang kanilang mga operasyon laban sa bandidong grupo upang mapalaya ang mga bihag.
Matatandaang naglabas na naman ng video ang grupo na pinapakita ang mga bihag nila na nagmamaka-awa na sa gobyerno, partikular kay incoming President Rodrigo Duterte na tulunga sila.
Noong April 25, pinugutan na ng Abu Sayyaf ang isa sa kanilang mga bihag na si John Ridsdel na isang Canadian.
Binigyan lamang ng Abu Sayyaf ang mga pamilya at ang gobyerno ng hanggang ngayong araw para bayaran ang P300 million na ransom para sa bawat dayuhan na hawak nila, at nagbantang kung hindi nila ito makukuha, matutulad sa kapalaran ni Ridsdel ang mga bihag.