Nanindigan si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na kapaki-pakinabang sa bansa ang isinusulong na Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP).
Pahayag ito ni Pangulong Marcos sa kabila ng pangamba ng ilan na makaapekto sa lokal na magsasaka ang pagkakaroon ng regional mega free trade deal ang Pilipinas.
Sa panayam ng Philippine Media Delegation kay Pangulong Marcos habang pauwi sa Pilipinas mula sa Japan, sinabi nito na dahil sa RCEP lalakas ang kalakalan ng Pilipinas sa ibang bansa.
“I don’t see the logic in that. Actually it will be the contrary because… right now kung wala tayo sa RCEP, hindi natin ma-access ang kanilang mga markets. Iyong mga – lalo na ‘yung mga supply chain na available na ibinigay ngayon sa ASEAN,” pahayag ni Pangulong Marcos.
Ang RCEP ay isang free trade agreement (FTA) sa pagitan ng 10 member states ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) at ng limang FTA partners na kinabibilangan ng Australia, China, Japan, New Zealand at Republic of Korea.
“All our markets that are mentioned in RCEP are already open. Walang mabubuksan na bago. Para sa akin [it] is to the advantage of the Philippines dahil ‘yung mga suplay nga, the supply chains, the different non-traditional suppliers of agricultural inputs, of agricultural commodities, puwede nating ma-access ‘yun. Without RCEP, we cannot do that,” pahayag ni Pangulong Marcos.
Sabi ng Pangulo, patuloy na tataasan ng Pilipinas ang investment sa agricultural value chain para mas maging competitive ito sa ibang bansa.
Dagdag ng Pangulo, palalakasin ng RCEP ang agricultural value chain ng Pilipinas.
“It opens more trade, more trade. And lagi kong sinasabi ‘di ba walang yumaman na bansa kung hindi dahil sa trade at kailangan we have to involve ourselves in that,” pahayag ni Pangulong Marcos.
Agad namang nilinaw ng Pangulo nabagamat isinusulong niya ang RCEP, hindi naman ito nanganghulugan na nagla-lobby siya sa Kongreso para ratipikahan ang panukala.
“ I’m not lobbying it. I’m waiting for it to be ano… No it’s necessary. If you think about it, we are the only ones left na hindi pa napag-ano ng RCEP. So we are leaving ourselves out there isolating ourselves from the free trade zone that ASEAN is. So sayang naman ‘yung opportunity. That’s why I think RCEP will be a good thing,” pahayag ng Pangulo.
“I think time will prove – yeah, time will prove that it is a – it is to our advantage. Kasi ang habol natin is trade eh, hindi naman ang habol niyan… So we are going to continue to increase our investment in the agricultural value chain. That will make us more competitive. It will not… Having RCEP will allow us to further strengthen our agricultural value chain so we are more competitive. That’s the general principle behind the RCEP,” pahayag ng Pangulo.
Tanging ang Pilipinas na lamang sa Southeast Asian ang hindi pa nakapagra-ratipika ng RCEP.
“It opens more trade, more trade. And lagi kong sinasabi ‘di ba walang yumaman na bansa kung hindi dahil sa trade at kailangan we have to involve ourselves in that,” pahayag ng Pangulo.
Sa ngayon, sumasailalim pa sa deliberasyon sa Senado ang naturang panukala.
Sa katunayan, nasa sub-committee level pa lamang ito at patuloy pang tinatalakay ng mga Senador.