Pangulong Marcos balak magpadala ng tulong sa mga biktima ng lindol sa Syria
By: Chona Yu
- 2 years ago
Hinahanapan na ng paraan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na makapag padala ng tulong ang Pilipinas sa Syria na tinamaan ng 7.8 magnitude na lindol.
Umaasa ang Pangulo na may maibibigay na tulong ang Pilipinas sa Syria.
Sa pinakahuling talaan, umabot na sa mahigit 24000 ang nasawi sa lindol sa Syria at Turkey.
“Now I’m trying to find a way kasi hindi lang naman Turkey ang tinamaan, Syria pati. Alam naman natin ang kalagayan sa Syria, hindi napakaganda. So I’m hoping that we’ll be able to do something to help them also,” pahayag ni Pangulong Marcos.
https://twitter.com/chonayu1/status/1624974174891683842?s=20&t=aDJQMo4vpFF5d7Ni8oy4Dw
Una nang nagpadala ng 85-man team ang Pilipinas sa Turkey.
Binubuo ang team ng mga engineer at mga health professionals na tutulong sa mga biktima ng lindol.
“The other thing is I’ve been receiving reports from our team in Turkey. Napakabigat ng pangyayari. Maramii na silang natulungan. They set up already a hospital at marami nang dumaan, marami na silang na-rescue, but we’ll still keep going on,” pahayag ng Pangulo.
Inaasahang tataas pa ang bilang ng mga nasawi dahil sa lawak ng pinsala ng lindol.