2 bata nalunod sa ilog sa Cebu

 

Mula sa Wikipedia

Patay na nang maiahon sa ilog ang dalawang bata makaraang malunod sa umapaw na ilog sa bayan ng Carmen, Cebu Linggo ng umaga.

Ayon sa ulat ng Carmen municipal police, nakilala ang mga nasawing biktima na sina John Lee Dayon, 3 taong gulang at Mark Dayon, 5 taon.

Sa imbestigasyon ng mga otoridad, naglalaro ang dalawang paslit sa gilid ng ilog Malubog di kalayuan sa kanilang tahanan nang biglang umapaw at lumakas ang agos ng tubig.

Dahil sa biglaang pag-apaw ng tubig, inanod ang dalawa ng malakas na agos at tuluyang tinangay sa malalim na bahagi ng ilog.

Ilang oras pa ang lumipas bago natagpuan ang wala nang buhay na mga katawan ng dalawang biktima mahigit isang kilometro ang layo kung saan sila inanod.

Bago pagtaas ng tubig sa Ilog Malubog, nakaranas ng malakas na ulan at biglaang bugso ng hangin ang malaking bahagi ng Cebu kahapon./

Read more...