Tripartite agreement ng Pilipinas sa Japan at Amerika, rerebyuhin

 

Tokyo, Japan—Rerebyuhin ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang ‘tripartite agreement’ ng Pilipinas sa Amerika at Japan.

Ayon sa Pangulo, isa lamang ang ‘tripartite agreement’ sa mga tinalakay sa limang araw na working visit sa Japan.

“It is something that we certainly are going to be studying upon my return to the Philippines. I think just part of the continuing process of strengthening our alliances because in this rather confusing, and I dare say dangerous situations, that we have, I’m not talking only about the South China Sea, I’m not only talking about the Indo-Pacific region but, of course, there is a conflict still ongoing in Ukraine and the rather disturbing effects that it has all around the world,” pahayag ng Pangulo.

Sabi ng Pangulo, ang naturang pag-uusap ay bahagi ng “continuing and ongoing” process para sa mas “solid partnerships at alliances” ng tatlong bansa.

“So that is, I think, a central element to…providing some sort of stability in the face of all these problems that we are seeing around us,” pahayag ni Pangulong Marcos.

Una nang nagkasundo sina Pangulong Marcos at Japanese Prime Minister Fumio Kishida na palakasin pa ang defense at security relations ng dalawang bansa.

Sa joint statement, napagkasunduan ng dalawang lider na dagdagan pa ang defense capabilities ng Pilipinas at Japan.

Magagawa ito sa pamamagitan ng strategic reciprocal port calls at aircraft visits, pag-transfer ng mas maraming defense equipment at technology at patuloy na kooperasyonsa mga defense equipment at capacity building.

 

Read more...