Tokyo, Japan—Mararamdaman sa lalong madaling panahon ang bunga ng limang araw na working visit ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Tokyo, Japan.
Ayon sa Pangulo, naging produktibo ang pagbisita niya sa Japan.
Paliwanag ng Pangulo, nasa 35 na investment pledges ang kanyang nakuha sa Japan.
May kaugnayan ito sa infrastructure, energy, manufacturing, healthcare, telecommunications, digitalization at iba pa.
Dagdag ng Pangulo, naging ineteresado na rin ngayon ang Japan sa usapin sa security at defense cooperation pati na sa climate change.
“I think that we will be able to feel the effects of these discussions, of these agreements very, very soon, very rapidly back home in the Philippines,” pahayag ng Pangulo.
MOST READ
LATEST STORIES