Tatlong bagong subway, balak itayo sa Manila at Cavite

PPA photo
Tokyo, Japan–Tatlong bagong subway ang balak na itayo ng Department of Transportation at Japan International Cooperation Agency (JICA) sa Pilipinas. Sa panayam kay Transportation Secretary Jaime Bautista sa Philippine Business Opportunities Forum sa Tokyo, Japan,.sinabi nito na itatayo ang mga subway sa  Manila patungo sa Cavite. Pero paglilinaw ni Bautista, plano pa lang ito at dadaan pa sa feasibility study. https://twitter.com/chonayu1/status/1624033688932749313?s=20&t=VLeZZZrhAQWVXMaBYwfCWA Umaasa si Bautista na malaking tulong ito para ma solusyon ang trapik sa Metro Manila. Nasa Japan si Bautista kasama ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. para sa limang araw na working visit. Layunin ng pagbisita ng Pangulo sa Japan na mahikayat ang mga dayuhang negosyante na maglagak ng negosyo sa bansa.

Read more...