Mababawasan ang halaga ng kuryente na isinusuplay ng Meralco ngayon buwan.
Sa inilabas na pahayag ng power distributor company, P0.106 per kilowatt hour ang mababawas.
Nangangahulugan na ang mga Meralco consumers na may nakakakonsumo ng 200 kwh kada buwan ay makakaasa ngP2 bawas sa kanilang binabayaran.
Ang dating P10.9001 halaga ng kada kilowatt hour ay bumaba na sa P10.8895.
Nakaambag sa pagbaba ng generation charge ang pagbuti ng suplay ng kuryente sa Luzon.
Bumababa din ang halaga ng kuryente mula sa independent power producers (IPPS) dahil sa pagbawas sa paggamit ng alternative fuel, bukod sa paglakas ng piso laban sa sa dolyar.
MOST READ
LATEST STORIES