255 meetings ng Philippine at Japan businessmen

PCO PHOTO

Umabot na sa 255 na meetings ang naisagawa ng mga negosyante ng Pilipinas at Japan.

Base ito sa ulat kay  Pangulong  Marcps Jr.,  ni Trade Sec. Alfredo Pascual.

Ayon sa Pangulo Marcos Jr., nasa 85 namumuno ng mga kompaniya sa Pilipinas ang  sumama sa kanya sa Tokyo para makipag-usap sa negosyanteng Hapon.

Bumisita na rin aniya ang mga negosyante sa pasilidad sa Odaiba para obserbahan ang ultra-compact space crafts para sa comet explorations.

Sinabi pa ng Pangulo na layunin ng mga negosyante na  matuto ng mga bagong kaalaman sa pagnenegosyo.

 

 

Read more...