Naganap ang krimen sa loob ng Pulse nightclub sa Orlando, dakong alas dos ng madaling-araw oras sa Amerika.
Sa inisyal na ulat mula sa mga saksi, sunud-sunod na putok umalingawngaw sa loob ng establisimiyento habang nagsasaya ang mga parukyano na nagresulta ng matinding panic.
Nang dumating ang mga otoridad, hinostage pa ng salarin ang mga nalalabing tao sa loob ng establisimiyento.
Makalipas ang tatlong oras, nagpasya ang mga alagad ng batas na pasukin at iligtas ang nalalabing hostage na nagresulta upang mapatay ang suspek.
Nasa 20 bangkay na ang natagpuan sa loob ng nightclub habang nasa 42 naman ang iniulat na nasugatan sanhi ng pamamaril at ng panic na idinulot ng insidente.
Iniimbestigahan pa ang panibagong insidente ng pamamaril sa Orlando na itinuturing na isang kaso ng terorismo.
Ayon sa ulat ng CBS, nakilala ang suspek na namaril sa pangalang Omar Mateem, isang US citizen.
Inaalam na ng mga otoridad kung may kinaanibang terror group ang suspek.
Nakuha sa salarin ang isang automatic rifle at isang granada.