Unang araw ng pasukan ng mga estudyante, uulanin ayon sa PAGASA

pagasa-logo-298x224Pinayuhan ng PAGASA ang mga estudyante na magdala ng paying at kapote sa pagbubukas ng klase bukas ng Lunes (June 13).

Batay sa weather forecast ng PAGASA, bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may mga pag-ulan o pagkidlat-pagkulog ang iiral sa Kamaynilaan at sa nalalabing bahagi ng bansa.

Dagdag ng weather bureau, nakaka-apekto ang hanging Habagat o southwest monsoon sa parte ng Northern Luzon.

Ayon sa PAGASA, katamtaman hanggang sa kung minsan ay malakas na hangin mula sa timog-kanluran ang iiral sa Hilagang Luzon at ang mga baybaying-dagat ay magiging katamtaman hanggang sa kung minsan ay maalon.

Mahina naman hanggang sa katamtamang hangin mula sa Timog hanggang sa Timog-Kanluran ang iiral sa nalalabing bahagi ng Luzon at mula naman sa Timog-Silangan hanggang sa Timog ang iiral sa nalalabing bahagi ng bansa na may banayad hanggang sa katamtamang pag-alon ng karagatan.

Batay sa Department of Education, tinatayang nasa 25 milyong mag-aaral ang magbabalik-eskwela bukas.

Nasa isang milyong sa mga estudyante ang first entrants ng Senior High School (SHS) program ng gobyerno.

 

Read more...