Sagot sa Q and A portion ni Miss PH-Earth Zamboanga, viral sa social media

Screen grab from Youtube
Screen grab from Youtube

Umaani ngayon ng iba’t ibang reaksyon mula sa netizens ang question and answer portion ng katatapos na 2016 Miss Philippines-Earth.

Partikular na pinag-uusapan sa social media ang sagot ni Miss Zamboanga Bellatrix Tan.

Ang tanong sa kanyang ng host ay ano ang masasabi nito sa weather-related phenomena na #ElNiño at #LaNiña.

Ang sagot ni Tan, “El Niño is what we are facing right now. If we do simple like things like planting trees, then we will not experience drought, right? So if we start now, we will achieve La Niña. Thank you!”

Sa FB, mahigit dalawang milyon na ang views ng naturang Q & A portion.

 

Pero sa post naman ng FB user na si Shain Berto, sinabi nitong “hindi siya tanga at mas lalong hindi siya bobo”, patungkol kay Tan.

Pinost pa nito ang litrato ni Tan na graduate ng Ateneo de Zamboanga University.

Ani pa ni Berto, “stop the hate for Miss Earth Zamboanga. Congratulations Bellatrix Tan.”

Read more...