Nanawagan si Senator Alan Peter Cayetano sa gobyerno na ipagpatuloy at paigtingin pa ang kampaniya laban sa droga.
“Paalala sa lahat, lalo na sa pulis, ituloy ang laban sa droga. Medyo bumabalik nang konti,” ani Cayetano sa pagkikita nila ni dating Pangulong Duterte sa Davao City.
Sinang-ayunan naman ni Duterte ang sinabi ni Cayetano.
Ayon kay Duterte, dapat ay maramdaman ng mga pulis na nasa likod nila ang gobyerno sa pagsabak nila sa mga operasyon laban sa droga.
“Kailangan lang ng concrete and very strong statement coming from the Executive that he will protect you when you do right and he will crush you if you do it wrong,” sabi pa ni Duterte kay Cayetano.
Magugunita na si Cayetano ang running mate ni Duterte noong 2016 presidential election at naitalaga pa itong kalihim ng Department of Foreign Affairs (DFA)