Hinihikayat ni Senate President Juan Miguel Zubiri ang Pilipinas at Japan na simulan na ang pag-uusap para sa pagkakaroon ng Visiting Forces Agreement (VFA) ng dalawang bansa.
“Speaking with Ambassador Koshikawa Kazuhiko last year, I had brought up the idea of pursuing a VFA with Japan,” ani Zubiri, na bahagi ng delegasyon ni Pangulong Marcos Jr. sa Japan.
Aniya magandang pagkakataon na mapag-usapan ang pagkakaroon ng Ph-Japan VFA sa pulong nina Pangulong Marcos Jr., at Japan Prime Minister Kishida Fumio.
“It makes strategic sense. Japan is an ally, and with ongoing territorial disputes over our waters, we stand to benefit from stronger security cooperation with our allies. Japan is already offering vital support to our Coast Guard, not just through vessels and equipment but also through other capacity-building opportunities such as training,” dagdag pa nito.
Naniniwala si Zubiri na ang VFA ang mas magpapatibay ng relasyon ng dalawang bansa.
Maari din aniya magamit ang kasunduan sa pagtugon sa kalamidad at hindi lamang pang-seguridad.