Working visit ni Pangulong Marcos sa Japan, kakaiba kumpara sa ibang bansa

Photo credit: Pres. Bongbong Marcos/Facebook

 

May mga espisipikong layunin ang pagbisita ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Japan.

Sa panayam ng Philippine Media Delegation habang sakay ng PR 001 patungo ng Japan, sinabi ng Pangulo na may “purpose” ang bawat meeting at hindi puro general introduction lamang ng Pilipinas gaya sa European Union at iba pang bansa.

“So that’s why kung titignan niyo ‘yung schedule very specific, may purpose ang bawat meeting, hindi ‘yung general introduction of the Philippines to the EU or to another country,” pahayag ng Pangulo.

Katunayan sinabi ng Pangulo na mayroon ng mga proyekto na isinasapinal ngayon.

“So what we are really having to do now is we are going to have to — we’re finalizing some of the projects that for example were postponed because of the pandemic, lockdowns and also now some new projects that are follow on from kung ano ‘yung dati,” pahayag ng Pangulo.

Kakaiba aniya ang biyahe sa Japan kumpara sa ibang bansa.

“Maraming — actually sa Japan is different from the other places that we’ve been wherein we just opened up the conversations. Sa Japan, very well developed na ‘yung mga interactions natin with G2G, even sa commercial,” pahayag ng Pangulo.

 

 

Read more...