Arestado ng mga unit mula sa Western Mindanao Command o WESTMINCOM at pwersa ng mga pulis ang tinatawag na Kumander Red Eye ng bandidong Abu Sayyaf Group.
Ang nahuling rebeldeng lider ay si Selar Muloc o Abner Muloc.
Natimbog siya sa isang operasyon sa Naga, Zamboanga Sibugay kaninang madaling araw (June 12).
Ang mga umaresto kay Kumander Red Eye ay mula sa Joint Task Force ZAMPELAN at police counterpart nito.
Batay sa mga otoridad, si Kumander Red Eye ay may koneksyon sa ASG sub-leader na si Idang Susukan, at itinuturong utak sa mga kidnapping operation sa Zamboanga Peninsula.
Pero ang warrant of arrest laban kay Kumander Red Eye ay kaugnay sa pagdukot sa dating Italian priest na si Rolando del Torchio, noong October 07, 2015.
Pinalaya si del Torchio noong April 08, 2016 sa Jolo, Sulu, at natagpuang sakay sa M/V Beatrice.