Umapela si outgoing President Noynoy Aquino sa mga Pilipino na huwag ipagsawalang-bahala sa halip ay bigyan ng pagpapahalaga ang demokrasya, habang naghahanda ang bansa sa pagpapalit ng administrasyon ni President elect Rodrigo Duterte.
Sa kanyang talumpati sa tradisyunal na Vin d’ Honneur sa Malacañang Palace ay sinariwa ng Pangulo kung paano nakipaglaban ang kanyang yumaong ama na si dating Senador Benigno “Ninoy” Aquino sa diktaduryang Marcos.
Babala ng Pangulo, kapag hindi naging mapagbantay ang mga Pilipino sa demokrasya ay maaring sapitin muli ng bansa ang malagim na naging kabanata ng bansa.
Aniya, “sa tahasang pagpatay kay Ninoy, natanto ng sambayanan na maski anong oras, maaaring sapitin ng lahat ang ganoon kalagim na kapalaran — na kapag hinayaan nating yurakan ang isa, inihahanda na rin ang sitwasyon upang yurakan ang sarili nating karapatan”.
Ngayon din aniyang papasok sa panibagong kabanata ng ating kasaysayan, sinabi ni Pangulong Aquino na “nawa’y hindi malimot ang kalayaan, na kailangan bantayan at alagaan. Lahat ng mahalaga, kailangan pagsikapan, kailangan ipaglaban.”
Ginawa ni PNoy ang pahayag may kaugnayan sa ika-isandaan at labing walong anibersayo ng kalayaan ng Pilipina