Hindi pa itinitigil ang paghahanap sa Cessna plane sa Isabela, ayon sa Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP).
Nagsimula ang paghahanap noong Pebrero 24 at makalipas ang dalawang linggo ay hindi pa ito nahahanap sabi ni CAAP Deputy Dir. Gen. Edgardo Diaz.
Nagtulong-tulong ang militar, civic organizations at lokal na pamahalaan sa paghahanap sa eroplano, na may anim na sakay.
Lumipad mula sa sa Cauayan City Airport ang Cessna 206 (RPC 1174) at ang huling contact sa air traffic controller ay alas-2:19.
Dapat ay lalapag ito sa Maconacon Airport alas-2:45 ngunit wala ang komunikasyon.
Sinabi ni Diaz na sinusunod nila ang protocols sa paghahanap at aniya ititigil lamang ang search operation kapag idineklara na ng search team.