Ngayong Araw ng Kalayaan: Mga Pilipino, hinimok na tulungan si President-elect Duterte

INQUIRER PHOTO/LYN RILLON
INQUIRER PHOTO/LYN RILLON

Bagama’t no-show sa Independence day celebration si President-elect Rodrigo Duterte, hinimok ng representative nito ang lahat ng mga Pilipino na tulungan ang bagong Pangulo ng bansa.

Sa kanyang speech sa Independence Day rites sa Rizal Park, Davao City, sinabi ni Davao City administrator Jesus Melchor Quitain na dismayado siya sa mga Pilipino na nagtaksil, nanlinlang at nanlamang sa ating bansa.

Pero aniya, hindi pa tapos ang laban dahil nariyan umano si Duterte na “handang-handang ipatupad ang kanyang mga pangako at mithiin na baguhin ang pamamalakad ng pamahalaan at imulat ang mga mata ng sambayanang Pilipino sa mga nangyayari sa kapaligiran tungo sa maunlad at mapayapang kinabukasan.”

Subalit paalala ni Quitain, kung pagbabago raw ang hangad ng lahat, ‘yan ay dapat manggaling at magsimula sa bawat isa.

Dagdag pa niya, pagbabago, pagmamahal sa bayan, at pagtutulungan ang kailangan para guminhawa ang Inang Bayan.

Si Duterte ay bigong makadalo sa seremonya para sa Araw ng Kalayaan sa Davao City.

Nang matanong kung bakit hindi nakarating ang incoming President, sinabi ni Quitain nab aka raw natutulog pa si Duterte, lalo’t nauna na nitong inihayag na mas gusto niyang magtrabaho sa hapon.

Read more...