Magpapadala ng tulong si Pangulong Marcos Jr. sa mga biktima ng magnitude 7.8 earthquake na yumanig sa Turkey at Syria.
Ayon sa Pangulo, mayroon nang binuo na 85-man team ang pamahalaan na tutulak ng Turkey.
Kinabibilangan ito ng mga engineers, na tutulong sa pag-inspeksyon ng mga gusali lalo’t patuloy pa ang nararanasang mga aftershock, at health workers, na aalalay sa mga nasaktan sa sakuna.
Sabi ng Pangulo, isasabay sa pag-alis ng grupo ang mga gamit na kailangan ng mga biktima ng lindol gaya ng mga kumot at damit.
Nangako na angTurkish Airways na sila ang maghahatid sa Philippine contigent gayundin sa mga kagamitan at tulong na bitbit ng mga ito.
Bukas ng gabi inaasahang bibiyahe ang grupo patungong Ankara, Turkey.
MOST READ
LATEST STORIES