Porno sa socmed dahilan ng pagbubuntis ng menor de edad – Padilla

SENATE PRIB PHOTO

Sinabi ni Senator Robin Padilla na ang pagtuldok sa mga maling impormasyon sa social media ang isa sa mga maaring susi para mabawasan ang bilang ng mga kabataan na nabubuntis.

“Ang mga bata nakapanood na ng mga porn diyan. Nakakalungkot po. Sila, gusto natin malaman nila ang tama. Ang problema, minsan meron pa tayong bloggers, hindi din natin ma-control, nagkukuwento pa ng kanilang mga sexual exploits sa  Facebook,” pahayag ni Padilla sa pagdinig ng Senate Committee on Women, Family Relations and Gender Equality.

Banggit pa ng senador:”Meron pa tayong dating sites para sa mga teenagers.

Aniya halos anim na oras kada araw ang nauubos ng mga kabataan sa social media higit pa sa inilalaan na oras sa kanilang pag-aaral.

Diin niya hanggang hindi nagagawaan ng paraan ng awtoridad na mabawasan ang mga maling impormasyon sa social media, mawawalan ng saysay lang ang mga programa para maiwasan ang maagang pagbubuntis.

“Wala po tayong sapat na kapangyarihan para labanan ang mga impormasyon na lumalabas sa social media,’ sabi pa ni Padilla.

Read more...