Pasahod ngayong Independence Day, ipinaalala ng DOLE sa private sector employers

Independence dayNagpaalala si Labor Secretary Rosalinda Baldoz sa mga employer sa pribadong sektor hinggil sa pagbabayad ng tamang pasahod ngayong Araw ng Kalayaan, na isang regular holiday.

Batay sa Labor Advisory No. 06, Series of 2016 ng DOLE, makatatanggap pa rin ng siyento porsiyentong sahod ang mga manggawa kahit sila ay hindi pumasok ngayong araw na ito.

Pero kapag sila naman ay pumasok, 200 porsiyento ng kanilang arawang sahod ang matatanggap sa unang walong oras ng paggawa.

Kapag lumampas naman ng otso oras ang mga mangagawa o nag-overtime, sila ay dapat bayaran ng dagdag na trenta porsiyento ng kanilang hourly rate, at kapag nation naman sa rest day ng empleyado, sila ay babayaran ng dagdag na trenta porsiyento ng kanilang daily rate na 200 percent.

Read more...