Mahigit 100 tao, dinakip sa QC dahil sa paglabag sa mga umiiral na ordinansa ng lungsod

File Photo
File Photo

Dinakip ng mga otoridad ang mahigit isandaang katao sa Quezon City dahil sa paglabag sa mga ordinansa ng lungsod na nagpapawal sa pag-inom at paggala sa kalye ng hindi nakadamit pang-itaas at paglabag sa curfew hours kagabi.

Partikular na nasakote ang mga ito ng anti-crime advocates kasama ang Quezon City Police District’s Community Precinct 5 sa Payatas A at B.

Dalawa sa mga nahuli ay kinilala sa pangalang Joemar Frugal at Justony Maceleto yina nakompiskahan ng dalawang sachet ng shabu.

Tatlumpu sa mga naarestong menor de edad ay lumabag sa curfew hours, labing anim ang naaktuhang umiinom ng alak sa mga pampublikong lugar at mahigit isans daan ang walang saplot pang-itaas.

Inimbitahan naman sa presinto ang mga magulang ng mga batang nahuli dahil sa curfew habang ang mga nag-iinuman ay ikinulong at ang mga walang damit ay binigyan ng warning ng mga pulis.

Read more...