Mental health, seryosong isyu na dapat pag-isipan ng husto – Go

Kinilala ni Senator Christopher Go  na seryosong problema ang kondisyon ng pag-iisip ng mamamayan, partikular ng mga kabataan, sa ngayon.   Aniya ang problema ay nakakaapekto maging sa komunidad at nagiging ugat ng pagkitil sa sariling buhay.   “According to studies, reported suicide rates po ay tumataas, Simula po noong pandemya, marami pong na-depressed, sa mga estudyante at OFWs” sabi pa nito.   Pagbabahagi niya na noong 2021, may 404 estudyante na nagpakamatay.   Aniya may inihain siyang panukala, ang Senate Bill 1786, para sa pagtatag ng mental health facilities sa mga kolehiyo at unibersidad.

Read more...