DOH naghahanap ng pondo para COVID 19 allowance ng healthcare workers

Kapos ang P72 bilyon na inilaan para sa COVID 19 allowance ng 805,000 healthcare workers sa bansa. Ito ang sinabi ni Department of Health (DOH) officer-in-charge Maria Rosario Vergeire kayat aniya makikipagpulong sila sa Department of Budget and Management (DBM) para tukuyin ang mga mapapaghugutan ng karagdagang pondo.   Ayon kay Vergeire kapos ang pondo para mabayaran ang lahat ng healthcare workers at aniya may mga utang pa ang DOH sa kanila noong 2021 at 2022.   Pagbabahagi ng opisyal, pinayuhan na sila ng DBM na baguhin ang sistema ng pagbabayad, alisin ang memorandums of agreement at magkaroon na lamang ng central disbursement para maiwasan na ang pagkakaantala ng pagbabayad sa mga healthcare workers.   Sinabi pa ni Vergeire na sa kanilang pakikipagpulong sa DBM ngayon linggo ay maaring maplantsa na ang lahat ng gusot sa pagbabayad ng COVID 19 allowance.

Read more...