Google, idinaan sa jeepney doodle ang pakikiisa sa Independence Day ng Pilipinas. Pero Facebook nagpost nga ba war flag?

Google IndeNakiisa ang Facebook, Google, ang iba’t ibang bansa, at Filipino netizens sa pagdiriwang ng Pilipinas ng 118th Independence Day ngayong June 12, 2016.

Sa Facebook, na-post ang pagwagayway sa bandila ng Pilipinas, at pagbating “Happy Independence Day! Here’s to all of the Philippines’ health, happiness and prosperity.”

Gayunman, maraming netizens ang nagkataka dahil sa halip na asul, kulay pula ang nasa itaas na bahagi ng bandila, o tinatawag na war flag.

Makikita naman sa search engine page ng Google ang pambansang sasakyan ng Pilipinas, ang jeepney, na may watawat pa ng bansa.

Sa kanyang Twitter account naman, binati ni United States of America Ambassador to the Philippines Philip Goldberg ang mga Pilipino ng “Happy 118th Independence Day.”

 

Read more...