SRP sa pulang sibuyas, nasa P125 kada kilo lamang

 

 

BOC File Photo

Nagpalabas na ng suggested retail price ang Department of Agriculture para sa imported na red onion sa wet market sa National Capital Region.

Ito ay base na rin sa utos ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Base sa SRP, nasa P125 lamang ang presyo ng imported na medium at big-sized na red onion.

“[I]n order not to aggravate the current difficulties of the Filipino people affected by the pandemic and rising fuel prices, there is a need to guide the consuming public on the reasonable prices of basic necessities in the market,” saad ng DA Administrative Circular No. 5 na may petsang February 6, 2023.

Magiging epektibo ang bagong SRP matapos ang publication at mananatili sa loob ng 60 araw maliban na lamang kung i-revoke o bawiin ng Pangulo.

Una nang umabot sa P600 ang kada kilo ng sibuyas sa bansa.

 

Read more...