1.400 katao patay sa lindol sa Turkey at Syria

 

Patay ang mahigit 1,400 katao matapos ang 7.8 magnitude na lindol na tumama sa central Turkey at northwest Syria.

Ayon sa ulat, libu-libong katao ang naiulat na nasugatan.

Nabatid na bago ang 7.8 magnitude na lindol, niyanig muna ng 7.7 magnitude.

Inaasahang tataas pa ang bilang ng mga nasawi.

Ayon sa salaysay ng mga residente, nagising na lamang sila sa malakas na pagyanig.

 

Read more...