Zubiri, Poe, apat pang senador bumisita sa CAAP facility

Sa pangunguna nina Senate President Juan MIguel Zubiri at Senator Grace Poe, ilang senador ang nagsagawa ng inspectionsa paislidad ng Civil Aviation Authority of the Philippoines (CAAP) sa Pasay ngayon araw.

Kasama ng dalawa sina, Senate Majority Leader Joel Villanueva, Sens. JV Ejercito, Risa Hontiveros at Raffy Tulfo.

Sinamahan naman sila nina Transportation Sec. Jaime Bautista, CAAP Dir. Gen. Manuel Antonio Tamayo at Manila International Airport Authority (MIAA Gen. Manager Chiong Cesar Chiong.

Partikular na pinuntahan ng mga senador ang CAAP – Air Traffic Management Center, kung saan nagsimula ang pagtigil ng operasyon ng mga paliparan sa bansa noong Enero 1.

Kasama sa inspection ang ilang independent experts.

Sinabi ni Poe, na namumuno sa Senate Committee on Public Services, bahagi ang inspection sa pagahahanda niya ng final committee report, na inaasahan na magiging laman ang kanilang mga rekomendasyon.

 

Read more...