Dalawang ‘Japanese fugitives’ ibabalik sa Japan bukas

Dalawa sa mga Japanese citizens na nasa kustodiya ng gobyerno ng Pilipinas ang nakatakdang ibalik sa Japan bukas.

Ito ang inanunsiyo ni Justice Sec. Jesus Crispin Remulla  na aniya ay ito na ang ‘worst case scenario.’

Nais aniya ng gobyerno na maibalik na sa Japan ang lahat ng mga sinasabing ‘Japanese fugitives.’

“Two are sure to be deported tomorrow, but hopefully, we can deport everyone by tomorrow,” sabi ng kalihim. Sa ngayon hawak ng gobyerno ang apat na Japanese citizens na iniuugnay sa malaking crime group sa Japan, isa na ang isang alias ‘Luffy.’ Napaulat na bagamat nakakulong, nagawa pa rin ni ‘Luffy’ na ipagpatuloy ang kanyang modus sa pamamagitan lamang ng smart phone. Nabanggit din ni Remulla na may mga awtoridad mula sa Japan ang dumating at magsisilbing ‘escorts’ ng mga palalayasin na Japanese nationals.

Nakatakdang magtungo sa Japan si Pangulong Marcos Jr., ngayon linggo.

Read more...