Higit P21 milyon na ang halaga sa pinsala sa mga imprastraktura ang idinulot ng magnitude 6.0 eartquake na yumanig sa Davao de Oro noong nakaraang Pebrero 1.
Ito ang iniulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).
Sa bulletin na ibinahagi ng Office of Civil Defene, may 543 bahay at 203 iba pang istraktura ang napinsala at ang kabuuang halaga ay P21.463 milyon.
Hindi naman naapektuhan ang mga linya ng komunuikasyon at suplay ng tubig, samantalang agad naman naibalik ang suplay ng kuryente matapos ang lindol na naitala sa bayan ng New Bataan.
Walang napaulat na nasawi o nawawala, bagamat may 16 ang nasugatan at nasaktan.
May 83 pamilya ang naapektuhan at nasa P360,000 halaga ng tulong ang naipamahagi.
MOST READ
LATEST STORIES