Walang dapat ikabahala sa karagdagang lugar na masasakop ng Philippines – US Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA).
Ito ang mensahe ni Defense officer-in-charge Carlito Galvez Jr., kaugnay sa mga nagpahayag ng pagka-alarma sa naging bunga ng pagbisita sa bansa ni US Defense Sec. Lloyd Austin.
Paliwanag nito, ang pagpapatupad ng EDCA ay may layon lang na palakasin ang kapabiidad ng AFP para maprotektahan ang teritoryo ng bansa at mas epektibong makatugon sa emergencies.
“Thus, these EDCA sites should not be a cause for concern for anyone since it could also spur economic investments, joint protection and preservation of our maritime and natural resources,” punto ng opisyal.
Sa ilalim ng kasunduan, pinapayagan ang US na magtayo ng kanilang mga pansamantalang pasilidad sa bansa para sa kanilang puwersang-militar.
Ayon naman sa AFP ang mga pasilidad ay pangangasiwaan ng Pilipinas at US at ibibigay ang mga ito sa Pilipinas pagkatapos gamitin.