Revenue collection target ng BOC nalagpasan

 

Nalagpasan ng Bureau of Customs (BOC)  ang revenue collection target para sa buwan ng Enero.

Ayon kay Customs Commissioner Yogi Filemon Ruiz, nakakolekta ang kanilang hanay ng P70.327 bilyong buwis noong nakaraang buwan.

Mas mataas ito ng 11.79 percent kumpara sa P62.911 bilyong target collection.

Mas mataas din ng 20.53 percent ang koleksyon noong Enero 2023 kumpara sa P58.346 bilyon na nakolekta noong Enero 2022.

Malaking puntos sa BOC ang 36 apprehensions sa mga kontrabando na umabot sa halagang P908 milyon.

 

 

Read more...