Cayetano sinabing may mas mahahalagang isyu kaysa sa MIF

 

Sinabi ni Senator Alan Peter Cayetano na may mas mahahalagang isyu kaysa sa pagbuo ng Maharlika Investment Fund (MIF).

Ayon kay Cayetano, sinabi niya ito kina Senate President Juan Miguel Zubiri at Senate Majority Leader Joel Villanueva sa kanyang sulat sa dalawa.

Kabilang aniya sa nakikita niya na mas mahalagang pag-ukulan ng pansin ay ang mataas na inflation, kakulangan sa suplay ng mga pagkain at mataas na presyo ng mga bilihin.

“My personal view is that we should have a sense of urgency and prioritize pressing issues that affect people’s daily lives – such as insufficient jobs available, low wages, inflation/high prices of basic commodities such as food and fuel, drugs and peace and order – that need both short and long-term solutions,” banggit ni Cayetano sa kanyang sulat kina Zubiri at Villanueva.

Inihayag din nito ang kanyang reserbasyon na ang dalawang panukala ukol sa pagbuo ng MIF ay napunta sa Committee on Banks sa halip na sa pinamumunuan niyang Committee on Government Corporations and Public Enterprises.

Pagtitiyak niya kung sa kanyang komite ibinigay ang dalawang panukala, agad siyang magpapatawag ng panig at bibigyan ang lahat ng panig ng pantay-pantay na oportunidad sa kani-kanilang komento o posisyon.

Read more...