14 na eskwelahan nasira sa lindol sa Davao de Oro

 

DepEd Facebook photo

Labing apat na eskwelahan ang nasira matapos ang magnitude 6 na lindol na tumama sa New Bataan, Davao de Oro.

Ayon kay Department of Education, kailangan ng P7 milyong pondo para sa pagsasaayos ng mga silid aralan.

Magkakaroon muna ng alternatibong klase ang mga apektadong estudyante.

May itatayong temporary learning spaces ang DepEd bilang pansamantalang kapalit ng mga nasirang eskwelahan.

 

 

Read more...